Adobong Baboy at Patatas Recipe

Patatas lang ang pinagiba ng recipe na to sa ibang adobo recipe.

Para maiba ang adobo, maaring dagdagan ito ng patatas. 

Pwedeng palitan ang patatas kung mahal ito sa palengke o tindahan.  Maglagay ng kamote o kalabasa para magiging matamis ng konti ang sarsa. Simpleng pandagdag na rekado sa adobo at kakaibang ulam na ang pwede mong ihain. 

Adobong Baboy at Patatas Recipe

Roselle Miranda
Patatas lang ang pinagiba ng recipe na to sa ibang adobo recipe.
Prep Time 15 minutes
Cook Time 45 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 1 hour
Course Main Dishes
Cuisine Filipino
Servings 6

Ingredients
  

Adobong Baboy at Patatas Ingredients

  • 1 kilogram pork kasim cut into cubes
  • 1/2 Cup Vinegar
  • 1/2 Cup Soy Sauce
  • 1 head Garlic peeled
  • 1/4 teaspoon crushed black pepper or to taste
  • 2 pieces dried bay leaves
  • 2 cups water or as needed
  • 2 medium Potatoes peeled, cut into large cubes

Instructions
 

  • Sa isang kaldero, ipagsama ang mga ito: baboy, suka, toyo, bawang, paminta, at bay leaves. Ibuhos ang tubig hangga t umabot at matabunan ang baboy. Dagdagan kung kailangan pa ng tubig. Ilagay ang takip ng kaldero.
  • Pakuluin ito hanggang malapit na maging malambot ang baboy. Kapag malapit na maging malambot ang baboy, ilagay ang patatas kasama ang baboy. Takpan, pakuluin muli, at lutuin hanggang maging malambot ang baboy at patatas. Dagdagan ng tubig kung mukhang matutuyo ito at hindi pa rin lumalambot ang baboy o ang patatas.
  • Kapag malapit na maging parehong malambot ang baboy at patatas, tanggalin ang takip at lakasan ang apoy para maging sarsa ang sabaw. Ihain ang adobo kapag malambot na ang baboy at patatas at naging malapot na ang sarsa.
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices