Adobong Pusit Recipe (Tagalog Version)

Alam niyo ba na pwedeng gawing adobo ang pusit?
Paboritong putahe ito ng maraming Filipino dahil sa nag-iisang dahilan: madaling lutuin at naroon ang pamilyar na matamis, maasim, at malinamnam na lasa ng adobo na gustong-gusto nating lahat. I-bookmark ang recipe na ito at lutuin sa susunod niyong malaking handaan.
Madaling ma-overcook ang pusit kaya pakuluan muna ito hanggang maluto nang sapat lamang.
Hindi sigurado kung paano ang tamang paglinis ng pusit? Siguraduhing natanggal ang itim at manipis na balat nito at ang mala-plastic na cartilage na nasa loob ng katawan nito. Tanggalin din ang lalagyan kung na saan ang tinta lalo na kung hindi naman ito gagamitin. Siguraduhin ding mabanlawan ito nang maigi, at mailuto na sa loob ng dalawang araw.