Adobong Tuna Recipe

Gawin mong adobo ang tuna chunks!
adobong tuna or tuna adobo on a plate with rice

Sa pagluto ng adobo, hindi lang baboy o manok ang maaaring gamitin. Maraming pwedeng gawing adobo tulad ng tokwa, kabute o mushroom, kangkong; maski karne ng baka, pwede rin! Ang kakaiba dito sa recipe na to ay ang paggamit ng sariwang tuna o tambakol. Bumili kayo ng tuna na pwedeng gawing sashimi para sa pinakasariwang isda na mabibili mo sa palengke o supermarket.  

Isang tip sa paghiwa ng tuna: gawin itong cubes para mas mabilis itong maluto!

Adobong Tuna Recipe

Roselle Miranda
Gawin mong adobo ang tuna chunks!
Prep Time 15 minutes
Cook Time 15 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 30 minutes
Course Main Dishes
Cuisine Filipino
Servings 4

Ingredients
  

Adobong Tuna Ingredients

  • 500 Grams fresh sashimi-grade tuna cut into 1/2-inch cubes
  • Salt to taste
  • ground black pepper to taste
  • 4 tablespoons canola oil
  • 3 cloves Garlic peeled, sliced thinly
  • 1/3 Cup Soy Sauce
  • 1/3 Cup Vinegar
  • 1 tablespoon brown sugar or to taste

Instructions
 

  • Hiwain ang tuna para maging cubes. Budburan ng asin at paminta. Itabi.
  • Isalang ang kawali sa kalan. Mag-init ng konting mantika at kapag mainit na ito, i-prito ang mga tuna cubes hanggang magkakulay ang lahat ng mga sides. Itabi ang mga nalutong tuna.
  • Sa natitirang mantika sa kawali, isalang ang nga nahiwang bawang hanggang maging tostado. Ibuhos ang toyo, suka, paminta, at asukal na pula kasama ng bawang. Pakuluin ang sarsa hanggang maging malapot.
  • Kapag malapot na ang sarsa, ibalik ang mga tuna cubes sa kawali at haluin ng mabuti sa sarsa. Initin ang tuna sa sarsa hanggang maging mainit ulit ang mga ito. Ihain ang adobong tuna kasama ng sinaing na kain.
Keyword Tagalog, how to buy fresh fish, fish stew, Filipino fish recipe, fried fish recipe
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices