Adobong Baboy Na Tuyo Recipe

Lahat ng lasa ay nasa baboy!
pork adobo and rice on a plate

Ang sarsa ang adobo ay isa sa mga dahilan kung bakit sadyang nakakatakam ito. Minsan nga ay kahit sarsa lang, napakasarap nang iulam sa kanin; at kung mayroon kayong tirang adobo sauce, maari rin itong gamitin upang magluto ng adobo fried rice!

Pero paano kung subukan nating magluto ng adobong baboy na tuyo?

Ang adobong tuyo o dry adobo ay isang uri ng adobo recipe na walang sarsa ngunit hindi ibig sabihin na hindi na ito malinamnam. Sa adobong tuyo recipe na ito, sisipsipin at manunuot sa baboy ang asim at alat ng adobo sauce. Hindi man ito masarsa, saksakan naman ito ng sarap at linamnam, kaya siguraduhing marami-rami ang saing kapag ito ang ulam!

Adobong Baboy Na Tuyo Recipe

Roselle Miranda
Lahat ng lasa ay nasa baboy!
Prep Time 10 minutes
Cook Time 30 minutes
Total Time 40 minutes
Cuisine Filipino
Servings 4

Ingredients
  

Adobong Baboy Na Tuyo Ingredients

  • 1 kilogram pork adobo cut
  • 1/3 Cup Vinegar
  • 1/3 Cup Soy Sauce
  • 6 cloves Garlic peeled
  • 1/4 teaspoon black peppercorns lightly crushed
  • 2 pieces bay leaves
  • 2 medium tomatoes quartered
  • 2 cups water or as needed

Instructions
 

  • Sa isang kaldero, ipagsama ang mga ito: baboy, suka, toyo, bawang, paminta, bay leaves, at kamatis. Ibuhos ang tubig hangga't umabot at matabunan ang baboy. Dagdagan kung kailangan pa ng tubig. Ilagay ang takip ng kaldero. 
  • Pakuluin. Iluto ito hanggang maging malambot ang baboy. Dagdagan ng tubig kung mukhang matutuyo ito at hindi pa rin lumalambot ang baboy. 
  • Pag malambot na ang baboy, tanggalin ang takip, tanggalin ang mga baboy, at pakuluin ang sabaw hanggang maging sarsa. Habang pinakukulo ang sarsa, mag-init ng mantika sa kawali. Ilagay ang pinalambot na baboy at iprito hanggang magkulay ang mga ito. Ibablik sa sarsa ang baboy at ihalo sa natitirang sarsa. Ihain kasama ang mainit na kanin. 
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices