Beef Mechado Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Ang Pinoy recipe na beef mechado ay kagaya rin ng ibang mga putaheng hinahaluan ng tomato sauce tulad ng Caldereta at Estofado. Ang toyo, tomato sauce, at ang pinagkuluan ng karne ng baka ang nagpapalinang sa lapot at lasa ng sabaw, samantalang ang mga gulay ang nagdaragdag ng sarap at lutong sa paboritong potaheng ito.