California Maki Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Hindi nyo kailangang maging sushi master para makagawa ng inyong paboritong Japanese rolls sa inyong kusina. Kaunting pagsasanay lang ay maaaring maging kasing sarap ng California maki na nabibili sa inyong paboritong restaurant. Napakadaling gawin nito at maaari pang maging oras ng pag-bonding kasama ang inyong mga anak. Kaunting nori seaweed, sushi rice na may suka, at kani (crab sticks) lang ang kailangan para makagawa ng isang makulay na putahe na magpapa-saya sa kahit sinuman sa hapag kainan.