Cheesy Ensaymada Recipe – Paano Lutuin At Mga Sangkap

Pinaka mainam na ihain kasama ng mainit na tsokolate ang ensaymada.

Pina sarap lalo ang paboritong tinapay ng Pinoy sa pamamagitan ng pagdagdag ng keso sa masa. Ang ensaymada recipe na ito ay ang meriendang magandang ibahagi sa mga kapamilya at mga kaibigan. Ihain kasama ng mainit na kape o tsokolate. Nais mo bang gawing mas masarap? Lagyan ng iyong paboritong jam o spread. Maaring hatiin sa dalawang bahagi ang recipe na ito upang magawa ang dough sa gabi nang matakpan at maiwan sa refrigerator. Lutuin sa sunod na umaga upang masiguro ang kasariwaan.

Cheesy Ensaymada Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

yummy.ph
Pinaka mainam na ihain kasama ng mainit na tsokolate ang ensaymada.
Prep Time 4 hours
Cook Time 30 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 4 hours 30 minutes
Course Snacks/Merienda
Cuisine Filipino
Servings 17

Ingredients
  

Cheesy Ensaymada Ingredients - Paano Lutuin At Mga Sangkap

  • 3/4 Cup water
  • 1 tablespoon honey
  • 1/2 teaspoon Salt
  • 4 1/2 Cup all-purpose flour
  • 1/2 Cup Processed Cheese
  • 1 tablespoon Instant yeast
  • 1 tablespoon powdered full-cream milk
  • 6 large egg yolks
  • 3/4 Cup sugar
  • 1/2 Cup unsalted butter
  • 1/2 Cup Butter
  • 1/2 Cup unsalted butter
  • 1/2 Cup sugar
  • quezo de bola

Instructions
 

  • Sa isang mangkok, ihalo ang tubig at honey.
  • Ilagay ang asin sa harina at ibuhos sa mixing bowl. Idagdag ang keso at haluin gamit ang kamay.
  • Ihalo ang tubig at honey kasama ang lahat ng ibang sangkap (pwera ang pinalambot na mantikilya).
  • Sa electric mixer na may dough hook, masahin ng limang minuto sa low speed.
  • Ilipat sa mangkok na nilangisan, takpan ng plastic wrap, at hayaang umalsa (sa loob ng mainit-init na silid na walang hangin o sa loob ng cabinet o sa oven na di ginagamit) hanggang sa doble ng laki nito, mga 1 hanggang 1 ½ oras.
  • Suntukin ang dough at hatiin sa tig-60 grams.
  • Gamitan ng rolling pin at isa-isang i-roll out ang mga bahagi. Gamitan ng brush para malagyan ng pinalambot na mantikilya. Kunin ang isang kanto at igulong ang dough hanggang maging hugis cylinder at ikutin, tupiin ang dulo sa ilalim ng dough. Ayusin sa nilangisan na mga baking tray.
  • Takpan ng plastic wrap at hayaan umalsa ng halos 3x ng laki (mga 1 ½ oras sa loob ng proofer; 3-4 oras sa mainit-init na silid na walang hangin; o mga 8 oras sa loob ng refrigerator).
  • Lutuin sa 350F oven ng mga 15-20 minuto o hanggang brown ng konti. Tanggalin sa oven at palamigin sa wire racks. Palamigin ng husto.
  • Gawin ang topping: Batihin ang mantikilyang walang asin kasama ang asukal hanggang gumaan. Lagyan ng mantikilya ang mga bun at budbudran ng quezo de bola.
Keyword Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices