Crispy Pata Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Ang Crispy Pata ay isa sa mga paboritong pagkain ng Pilipino na pinagagamitan ng hita ng baboy. Medyo mahabang proseso ang pagluto nito pero sulit naman ang oras at pagod. Mula sa lambot ng karne hanggang sa lutong ng balat, siguradong ito'y tatawag ng pansin. Lagyan ng mga hiwa ang baboy bago ito lutuin at pakuluan. Ito'y para siguruhing masipsip ng karne ang mga lasa mula sa laurel, bawang, at paminta. Patuyuin ding mabuti ang baboy pagkatapos pakuluan - ito ang sikreto ng malutong na balat!