Dinakdakan Recipe – Paano Lutuin At Mga Sangkap

Maaari ring itong magsilbing pampagana!

Gawa sa iba’t ibang parte ng pinakuluan at inihaw na baboy ang Ilokanong ulam na ito—maaari ring itong magsilbing pampagana! Walang masasayang na kahit anong parte ng baboy dahil naisasama ang di gaanong nagagamit na mga bahagi ng hayop, tulad ng ulo, tenga, at utak bilang mga sangkap para sa resipe. Ginagamit ang proseso ng pag-ihaw at pagkulo dahil mas simple kung gamitin ito kumpara sa kung gumamit ka pa ng ibang mga pamamaraan ng pagluto. Kung gusto ninyo ng kaunting sipa, maaari rin kayong magdagdag ng sili. Babala lamang, baka maparami ng kanin!

Dinakdakan Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Mira Angeles
Maaari ring itong magsilbing pampagana!
Prep Time 10 minutes
Cook Time 1 hour 30 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 1 hour 40 minutes
Course Appetizers, Main Dishes
Cuisine Filipino
Servings 6

Ingredients
  

Dinakdakan Ingredients - Paano Lutuin At Mga Sangkap

  • 6-8 cups water
  • salt (asin)
  • ground black pepper
  • 1 kilo pig ears
  • 1 kilo pig face (maskara)
  • 1/4 kilo pigs brain
  • 1 medium red onion hiniwa
  • 6 green chilies (siling mahaba) hiniwa
  • 4 tablespoons Vinegar gumamit ng sukang Iloko
  • Salt ayon sa panlasa
  • black pepper ayon sa panlasa

Instructions
 

  • Maglagay ng 6 hanggang 8 na basong tubig sa isang kaldero. Pakuluan. Magdagdag ng asin at paminta. Pagkatapos, idagdag ang tenga at mukha ng baboy. Bawasan ang apoy at ipagpatuloy ang pagpapakulo ng mga 50 hanggang 60 na minuto o hanggang lumambot ang karne. Salain at itabi.
  • Pakuluan ang utak ng baboy gamit ang isang plastik na salaan upang hindi ito madurog. Lutuin ng mga 10 minuto o hanggang maging puti ang utak. Tanggalin ang lutong utak mula sa apoy at itabi.
  • Painit ang ihawan. Ihawin ang tenga at mukha ng baboy ng apat hanggang anim na minuto o hanggang lumutong ito. Huwag sunugin.
  • Tanggalin ang inihaw na mga parte ng baboy mula sa ihawan. Hayaang lumamig nang sandali at simulang hiwain ito sa maliliit na pirasong kayang kainin ng iisang subo.
  • Pagsamahin ang utak ng baboy at suka sa isang lalagyan. Timplahan ng asin at paminta. Dagdagan ng luya, sili, sibuyas, at asin, kung kailangan. Idagdag ang pira-pirasong mukha ng baboy at tenga. Ilipat sa plato para ihain.
Keyword Tagalog, Ilocano dish
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices