Filipino Ginataan Recipe - Paano Lutuin at mga Sangkap

Isa sa paboritong merienda o panghimagas nating mga Pilipino ang ginataan o ginataang bilo-bilo. Ang init, tamis at iba't ibang kulay ng mga sangkap ay tila nagbibigay sigla laban sa lungkot ng makulimlim na panahon.
Ang ginataan o ginataang bilo-bilo ay binubuo ng iyong mga paboritong sangkap gaya ng saging na saba, sago, kamote at langka. Ito ay hinahaluan ng binilog na malagkit na bigas (bilo-bilo) na siyang nagdadagdag lapot sa gata. Maaari din itong haluan ng halaya o pira-pirasong ube kung gusto ng sarsang may kulay.