Giniling na Chicken Torta Recipe

Ang simpleng chicken torta recipe na to ay ginawang mas masarap.

Ang manok ay isang paborito ng karamihan. Pwede mong iluto ito sa simpleng paraan lamang ngunit masarap na siya. Dito, pinagsama ang giniling na manok at konting patatas, carrots, at iba’t ibang pampalasa para maging masarap at mas nakakabusog ito. 

Giniling na Chicken Torta Recipe

Rofel Balbuena
Ang simpleng chicken torta recipe na to ay ginawang mas masarap.
Prep Time 15 minutes
Cook Time 20 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 35 minutes
Course Main Dishes
Cuisine Filipino
Servings 6

Ingredients
  

Giniling na Chicken Torta Ingredients

  • 1 Small red onion minced
  • 3 cloves Garlic minced
  • 1/2 Cup potato peeled, cubed small
  • 1/2 Cup carrot peeled, cubed small
  • 1/2 kilogram ground chicken
  • 2 tablespoons Soy Sauce
  • 2 large eggs beaten
  • 1/2 Cup all-purpose flour
  • Salt to taste
  • ground black pepper to taste
  • Oil for frying

Instructions
 

  • Initin ang mantika sa isang maliit na kawali. Igisa ang sibuyas at bawang. Idagdag ang patatas at carrots, lutuin hanggang maging maluto ng konti. Tanggalin ang kawali sa kalan at palamigin ang mga sahog sa isang tabi.
  • Pag malamig na ang mga patatas, ipagsama ito sa isang mangkok na malaki. Ihalo ang patatas kasama ang giniling na manok, toyo, itlog, at harina at budburan ng paminta at asin. Magluto ng maliit na kapirasong giniling para malasa at kung kailangan, lagyan ulit ng paminta at asin.
  • Kapag handa na iluto ang mga torta, mag-init ng mantika sa kawali. Kumuha ng 3 kutsarang giniling at gawin itong patty o malapad na bilog. Dahan-dahan ilagay sa mainit na mantika at lutuin ng 3 minuto o hanggang maging golden brown ang ilalim. Baliktarin. Tanggalin sa kawali at lutuin ang natitirang giniling na manok. Ihain ang torta kasama ng banana ketchup.
Keyword omelet recipe, Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices