Ginisang Kangkong Recipe

Ang kangkong ay ginawang mas masarap.

Hindi kailangan maging komplikado ang recipe para maging masarap. Ang kangkong recipe na ito ay simpleng recipe lang ngunit masarap siya! Kahit wala itong toyo at suka katulad ng adobong kangkong, saksakan ng linamnam ang ginisang kangkong recipe na ito dahil sa kamatis at bagoong. Konting gisa lang at konting pampalasa ang kailangan lang para makaluto ka ng masarap na kangkong na pwede mong ihain kasama ang piniritong ulam

Ginisang Kangkong Recipe

Roselle Miranda
Ang kangkong ay ginawang mas masarap.
Prep Time 10 minutes
Cook Time 10 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 20 minutes
Course Side Dishes
Cuisine Filipino
Servings 4

Ingredients
  

Ginisang Kangkong Ingredients

  • 2 tablespoons vegetable oil
  • 1 medium red onion peeled, sliced
  • 2 cloves Garlic peeled, chopped
  • 3 Small native tomatoes quartered
  • 1 bunch kangkong leaves and tender stalks only
  • 1 tablespoon shrimp paste (bagoong alamang)
  • ground black pepper to taste
  • Salt to taste

Instructions
 

  • Sa isang kawali na nakasalang sa kalan, painitin ang mantika. Ilagay ang sibuyas kasunod ang bawang at kamatis. Lutuin ang mga ito hanggang lumambot.
  • Ilagay ang mga malalambot na tangkay ng kangkong at ang bagoong. Igisa para mahalo ng mabuti at maluto ang nga tangkay. Ilagay ang mga dahon ng kangkong at igisa muli. Ibudbud ang paminta at asin kung kailangan pa sa ibabaw ng mga kangkong. Haluin at ihain ng mainit.
Keyword how, Tagalog, sauteed veggies, Side dishes recipes, vegetable side dish
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices