Homemade Spanish-style Sardines Recipe (Tagalog Version)

Tikman ang kakaibang sarap ng Spanish-style sardines. Lahat ng lutong-bahay ay espesyal at hindi naiiba ito. May katagalan lang kapag niluto sa pressure cooker, para siguradong lalambot ang isda; pero sulit naman ang paghihintay! Sakto itong ka-pares ng bagong lutong tinapay at paboritong timpla ng kape para sa mainit at maaliwalas na umaga.
Kung wala kang pressure cooker, pwedeng pakuluan ang bangus, habang nakalubog sa tubig at olive oil, sa loob ng 45 minuto, o hanggang sa maging malambot na ang isda. Pwedeng ilagay sa babasaging bote at ipamigay bilang regalo. Huwag lang kalimutang i-sterilize nang maayos ang bote bago gamitin.