Igado Recipe (Tagalog Version)

Kilalang putaheng nagmula sa Ilocos ang Igado na may sangkap na lomo at lamang-loob ng baboy. Niluluto ito sa pinaghalong suka at toyo na siguradong magpapalabas ng kakaibang lasa at linamanam nito. Ang mga gulay katulad ng gisantes at red bell pepper ay nagpapadagdag pa ng kulay sa putahe.
May mga bersiyon din kung saan ang ginagamit na lamang-loob ay kidney at puso. Siguraduhing hindi masobrahan sa luto ang atay para hindi ito maging makunat at mahirap nguyain.
Paalala: Siguraduhing nalinis nang mabuti ang mga lamang-loob bago lutuin!