Kare-Kare Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap
Ang kare-kare ay isang paboritong pagkaing Pinoy na gawa sa nilagang baka na may sarsang pinalabot ng dinurog na mani.

Paano gawin ang Filipino Kare-kare?
Ang sikreto sa malasang kare-kare ay ang dinurog na mani at binusang dinurog na bigas. Dahil sa dalawang sangkap na ito, ang sarsa ng putaheng ito ay nananatiling malapot at malasang mani. Ibusa ang dinurog na bigas at gumamit ng bagong durog na mani para sa ubod sarap na lasa. Itambal pa ito sa isang tasang mainit na kanin at sawsawan na paborito nyong bagoong alamang.