Leche Flan Puto Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Pagsamahin ang dalawang pinaka-sikat na panghimagas, leche flan at puto, para sa matamis na panghimagas. Ang puto ay isang uri ng kakanin. Kalimitan itong gawa sa kanin, pero sa bersyong ito, ang gagamitin ay all-purpose flour na ginagamit sa mga cake tulad ng mga ito!
Ang kapareha nito, leche flan, ay gawa sa itlog at gatas. Bagay na bagay na pang-ibabaw sa puto dahil dinadagdagan nito ng linamnam at makremang lasa ang paboritong puto ng mga Pilipino. I-bookmark na ang recipe na ito dahil siguradong hahanapin niyo para sa merienda o sa potluck para sa mga salu-salo.
Ilang payo sa pag-gawa ng panghimagas na ito: padaanin sa salaan ang leche flan bago ilagay sa hulmahan. Siguraduhin na mag-iwan ng konting lugar para sa pagtaas ng puto-magsalin lamang hanggang ¾ ng hulmahan. At pinakahuli, palamigin at leche flan puto bago ito alisin sa hulmahan.