Leche Flan Puto Recipe – Paano Lutuin At Mga Sangkap

Ang recipe na ito ay kombinasyon ng dalawang paboritong panghimagas: leche flan at puto.

Pagsamahin ang dalawang pinaka-sikat na panghimagas, leche flan at puto, para sa matamis na panghimagas. Ang puto ay isang uri ng kakanin. Kalimitan itong gawa sa kanin, pero sa bersyong ito, ang gagamitin ay all-purpose flour na ginagamit sa mga cake tulad ng mga ito!

Ang kapareha nito, leche flan, ay gawa sa itlog at gatas. Bagay na bagay na pang-ibabaw sa puto dahil dinadagdagan nito ng linamnam at makremang lasa ang paboritong puto ng mga Pilipino. I-bookmark na ang recipe na ito dahil siguradong hahanapin niyo para sa merienda o sa potluck para sa mga salu-salo.

Ilang payo sa pag-gawa ng panghimagas na ito: padaanin sa salaan ang leche flan bago ilagay sa hulmahan. Siguraduhin na mag-iwan ng konting lugar para sa pagtaas ng puto—magsalin lamang hanggang ¾ ng hulmahan. At pinakahuli, palamigin at leche flan puto bago ito alisin sa hulmahan.

Leche Flan Puto Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Catalina Altomonte
Ang recipe na ito ay kombinasyon ng dalawang paboritong panghimagas: leche flan at puto.
Prep Time 5 minutes
Cook Time 15 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 20 minutes
Course Dessert, Snacks/Merienda
Cuisine Filipino
Servings 2 1/2 dozen

Ingredients
  

Leche Flan Puto Ingredients - Paano Lutuin At Mga Sangkap

  • 325 Grams condensed milk
  • 4 medium eggs pula lamang ang gamitin
  • 1 Cup all-purpose flour
  • 1 tablespoon baking powder
  • 130 Grams milk
  • 20 Grams water
  • 1 medium Egg
  • 1 tablespoon Butter tinunaw
  • 1 kurot salt (asin)
  • 1/2 Cup sugar

Instructions
 

  • Pagsamahin ang pula ng itlog at gatas na kondensada sa isang maliit na mangkok. Itabi.
  • Sa isa pang mangkok, pagsamahin ang harina, baking powder, asukal, gatas, itlog, mantekilya, at asin. Itabi.
  • Pahiran ng mantekilya ang mga hulmahan ng puto. Isalin ang leche flan mixture sa hulmahan ng puto hanggang mapuno ang 1/3 nito. I-steam ng 5 minuto hanggang tumigas ito pero hindi maluto nang tuluyan.
  • Isalin ang puto sa ibabaw ng leche flan at i-steam sa loob ng 10 minuto.
  • Palamigin ang leche flan puto ng 10 minuto bago ito alisin sa hulmahan. Maaari nang ihain.
Keyword Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices