Lechon Paksiw Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Mahilig ang mga Pilipino kumain ng lechon tuwing may handaan, pero madalas ay maraming natitira kahit maraming tao pa ang magsalo. Nakasanayan ng maraming Pilipino ang mag-paksiw ng tirang lechon upang hindi masayang ang paborito nating handa tuwing may salu-salo.Â
Paano ba ginagawa ng lechon paksiw?
Itong recipe ng lechon paksiw ay gumagamit ng napakaraming tirang lechon. Pinakikinabangan ang bawat bahagi ng natirang lechon, pati na ang natirang sawsawan! Sa paggawa nitong madaling resipi ng lechon paksiw, kailangan mo lang ng tirang lechon at lechon sauce, matapang na suka, pulang asukal, at pamintang buo o black peppercorns. Makakagawa ka ng mas malasang sabaw kung saan pakukuluan ang tira-tirang lechong. Itoý maasim, manamis-namis, malinamnam, at syempre, may lasang mula pa sa pinagsaluhang lechon.