Lugaw At Itlog Recipe (Tagalog Version)

Magpahinga pagkatapos ng trabaho at kumain ng mainit na lugaw.

Lugaw ang pagkain para sa mga araw na ayaw mo na problemahin ang kakainin mo: ito ay nakakabusog at madaling lutuin kaya masarap kainin kapag may sakit. Kalimitang gawa sa kanin, tubig, at asin ang lugaw; pero ang bersyong ito ay may kasamang manok kaya mas mabigat sa tiyan. Kahit baguhan ka sa pagluluto, kayang-kayang mo magluto ng lugaw. Lagyan ng nilagang itlog, pinritong bawang, at sibuyas!

lugaw with egg

Lugaw At Itlog Recipe (Tagalog Version)

Lhas Alvarez
Magpahinga pagkatapos ng trabaho at kumain ng mainit na lugaw.
Prep Time 5 minutes
Cook Time 1 hour
Resting Time 30 minutes
Total Time 1 hour 5 minutes
Course Main Dishes, Soup
Cuisine Filipino
Servings 3-4

Ingredients
  

Lugaw At Itlog Ingredients (Tagalog Version)

  • 2 tablespoons canola oil
  • 2 tablespoons white onion tinadtad
  • 2 tablespoons Garlic tinadtad
  • 2 tablespoons ginger julienned
  • 1 1/2 tablespoons fish sauce (patis)
  • 1/2 Cup long-grain rice
  • 4 cups chicken stock
  • 1/2 piece chicken bouillon cube
  • Salt pampalasa
  • 2 eggs (hardboiled), naka-slice
  • spring onions
  • Garlic pinirito hanggang tostado, pang-topping

Instructions
 

  • Magpainit ng mantika sa isang kaldero. Sa katamtamang apoy, igisa ang sibuyas, bawang, at luya. Dagdagan ng patis at pakuluin.
  • Isalin ang kanin at haluin.
  • Idagdag ang pinagkuluan ng manok, haluin, at hayaang kumulo.
  • Pakuluan ng 30 hanggang 40 minuto. Patuloy na haluin ang lugaw hanggang maging malapot ito.
  • Dagdagan ng chicken bouillon cube at haluin. Timplahan ng asin ayon sa iyong panlasa.
  • Lagyan ng hiniwa na nilagang itlog, piniritong bawang, at sibuyas na mura (spring onions).
Keyword Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices