Lugaw At Itlog Recipe (Tagalog Version)
Magpahinga pagkatapos ng trabaho at kumain ng mainit na lugaw.

Lugaw ang pagkain para sa mga araw na ayaw mo na problemahin ang kakainin mo: ito ay nakakabusog at madaling lutuin kaya masarap kainin kapag may sakit. Kalimitang gawa sa kanin, tubig, at asin ang lugaw; pero ang bersyong ito ay may kasamang manok kaya mas mabigat sa tiyan. Kahit baguhan ka sa pagluluto, kayang-kayang mo magluto ng lugaw. Lagyan ng nilagang itlog, pinritong bawang, at sibuyas!