Lumpiang Gulay Recipe

Madali lang gawin ang lumpiang gulay recipe na ito. May kasama pang sawsawan!
lumpiang gulay sliced open

Kung mahilig ka sa gulay, magugustuhan mo ang lumpia recipe na ‘to. Siksik ito sa ginisang gulay at pinirito hanggang ito’y lumutong. Kabilang ang carrotskamoteng kahel, at kamote sa mga ingredients ng lumpiang gulay recipe na ito, kaya bukod sa malinamnam, nakabubusog ito kahit na hindi iulam sa kanin. Ngunit kung mas gusto ninyong gawin siyang ulam, masarap rin siyang iulam sa mainit na kanin habang isinasawsaw sa suka. Kung kayo’y umiiwas sa karne, puwede pa rin kayong kumain ng lumpia gamit ang recipe na ito.

Paano Gumawa ng Lumpiang Gulay?

Siguraduhing pantay-pantay ang laki ng mga hiniwang gulay. Upang maiwasan ang hindi pantay-pantay na paglambot at pagkaluto ng gulay, siguraduhing pare-pareho ang hiwa ng mga ito. Kahit na hiwa-hiwalay ang paggisa ng mga gulay sa una, lalambot pa ang mga ito kapag naipalaman na sa lumpia wrapper at naisalang nang muli sa mantika. Mas lalong mahalaga na magkakasinlaki ang carrots, kamoteng kahel, kamote, at singkamas, dahil halos sabay-sabay lumambot ang mga ito.

Patuluin ang lutong gulay sa salaan o strainer bago balutin. Mas mahirap balutin sa lumpia wrapper ang lutong gulay kung basang-basa ito matapos gisahin. Normal lang na magtubig ang gulay habang pinalalambot, ngunit mas mainam na patuluin ito sa salaan o strainer bago ipalaman sa lumpia wrapper. Maliban sa mas madaling mapupunit ang lumpia wrapper, mas magiging matilamsik ang mantika kapag basa ang lumpiang gulay na isasalang dito.

Para hindi matalsikan, siguraduhing mainit ang mantika at dahan-dahang isalang ang lumpia. Malalaman ninyong sapat na ang init ng mantika kung susubukan ninyong lagyan ito ng maliit na piraso ng lumpia wrapper o di kaya’y kung isasawsaw ninyo ang dulo ng isang lumpia. Dapat ay mabilis itong bubula sa paligid ng wrapper. Kapag mainit na ang mantika, dahan-dahang isawsaw ang lumpiang gulay hanggang sa kalahati; pagkatapos, maaari na itong ihulog.

CONTINUE READING BELOW

Mas lalong pasarapin ang lumpiang gulay gamit ang sawsawan. Dahil gumamit tayo ng kamoteng kahel at kamote, manamis-namis ang lumpiang gulay na ito. Bagay na bagay itong isawsaw sa sukang may sili at sibuyas, o di kaya sa sinamak. Babagay rin ito sa sweet and sour saucengunit kung mas simpleng sawsawan ang hanap ninyo, may nakapaloob na sawsawan ng lumpiang gulay sa recipe na ito.

lumpiang gulay sliced open

Lumpiang Gulay Recipe

Roselle Miranda
Madali lang gawin ang lumpiang gulay recipe na ito. May kasama pang sawsawan!
Prep Time 40 minutes
Cook Time 30 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 1 hour 10 minutes
Course Appetizers, Side Dishes, Snacks/Merienda
Cuisine Chinese, Filipino
Servings 20

Ingredients
  

Lumpiang Gulay Ingredients

  • 2 cups vegetable oil or as needed
  • 2 squares tofu cut into rectangular cubes
  • 1 large orange sweet potatoes (kamote) (kamoteng kahel), peeled, cut into sticks
  • 1 large sweet potatoes (kamote) peeled, cut into sticks
  • 1 Small red onion peeled, chopped
  • 3 clove Garlic peeled, chopped
  • 1 medium carrot peeled, julienned
  • 1 bunch green beans or Baguio beans sliced diagonally
  • 1 small head cabbage thinly sliced
  • 2 tablespoons fish sauce (patis) or to taste
  • ground black pepper to taste
  • 20 large Lumpia wrappers separated
  • 1 Egg beaten
  • 1/4 Cup Soy Sauce
  • 1/3 Cup Vinegar
  • 2 cloves Garlic crushed
  • 1 tablespoon sugar

Instructions
 

  • Initin ang mantika sa isang malaking kawali. Ilagay at gisahin ang tokwa hanggang maluto ito y maluto. Itabi ang lutong tokwa.
  • Ilagay ang hiwang kamoteng kahel at lutuin din ito hanggang lumambot. Ilagay ang lutong kamote sa lalagyan kasama ang tokwa. Lutuin din ang kamoteng puti sa mainit na mantika. Isama sa lutong kamoteng kahel at tokwa. Itabi ang mga ito.
  • Bawasan ang mantika hanggang ang natirang mantika sa kawali ay kasya sa paggisa. Ilagay at gisahin ang sibuyas. Isunod ang bawang at gisahin rin ito hanggang ito y maging malambot.
  • Idagdag sa kawali ang sitaw at repolyo. Gisahin nang mabuti hanggang ito y malanta sa init ng kawali. Ibalik ang mga lutong tokwa at kamote sa kawali at haluin nang mabuti.
  • Timplahan ang ginisang gulay gamit ang patis at durog na paminta, ayon sa iyong panlasa. Haluin ulit ang mga gulay. Patayin ang kalan at palamigin ang nalutong gulay.
  • Maglagay ng isang lumpia wrapper sa sangkalan. Maglagay ng isa hanggang tatlong kutsarang gulay sa lumpia wrapper. Pahiran ng itlog ang dulo ng lumpia wrapper. Irolyo ang ang lumpia wrapper na may gulay sa loob. Pahiran muli ng itlog kung kailangan para maisara nang mahigpit ang lumpia. Itabi ang gawang lumpia at ulitin ang prosesong ito sa pagbalot sa natitirang gulay at lumpia wrapper.
  • Pag handa nang iluto ang mga lumpia, initin muli ang mantika sa isang kawali na pang prito. Maglagay ng hanggang limang lumpia sa mainit na mantika at lutuin ang mga ito hanggang maging malutong ang wrapper at uminit muli ang gulay sa loob na lumpia. Itabi sa isang patuluan o rack para hindi lumambot o maging mamantika ang mga lutong lumpia. Lutuin ang mga natitirang lumpia.
  • Gawin ang sawsawan: Haluin nang mabuti sa isang lalagyan ang toyo, suka, bawang, at asukal. Ihain ang lumpia kasama ang ginawang sawsawan.
Keyword Tagalog, vegetable recipes, fried lumpia recipe, fried lumpia, classic
Tried this recipe?Let us know how it was!
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Recommended Videos

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices