Lumpiang Gulay Recipe

IMAGE Michael Angelo Chua

Kung mahilig ka sa gulay, magugustuhan mo ang lumpia recipe na 'to. Siksik ito sa ginisang gulay at pinirito hanggang ito'y lumutong. Kabilang ang carrots, kamoteng kahel, at kamote sa mga ingredients ng lumpiang gulay recipe na ito, kaya bukod sa malinamnam, nakabubusog ito kahit na hindi iulam sa kanin. Ngunit kung mas gusto ninyong gawin siyang ulam, masarap rin siyang iulam sa mainit na kanin habang isinasawsaw sa suka. Kung kayo'y umiiwas sa karne, puwede pa rin kayong kumain ng lumpia gamit ang recipe na ito.

Paano Gumawa ng Lumpiang Gulay?

Siguraduhing pantay-pantay ang laki ng mga hiniwang gulay. Upang maiwasan ang hindi pantay-pantay na paglambot at pagkaluto ng gulay, siguraduhing pare-pareho ang hiwa ng mga ito. Kahit na hiwa-hiwalay ang paggisa ng mga gulay sa una, lalambot pa ang mga ito kapag naipalaman na sa lumpia wrapper at naisalang nang muli sa mantika. Mas lalong mahalaga na magkakasinlaki ang carrots, kamoteng kahel, kamote, at singkamas, dahil halos sabay-sabay lumambot ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuluin ang lutong gulay sa salaan o strainer bago balutin. Mas mahirap balutin sa lumpia wrapper ang lutong gulay kung basang-basa ito matapos gisahin. Normal lang na magtubig ang gulay habang pinalalambot, ngunit mas mainam na patuluin ito sa salaan o strainer bago ipalaman sa lumpia wrapper. Maliban sa mas madaling mapupunit ang lumpia wrapper, mas magiging matilamsik ang mantika kapag basa ang lumpiang gulay na isasalang dito.

Para hindi matalsikan, siguraduhing mainit ang mantika at dahan-dahang isalang ang lumpia. Malalaman ninyong sapat na ang init ng mantika kung susubukan ninyong lagyan ito ng maliit na piraso ng lumpia wrapper o di kaya'y kung isasawsaw ninyo ang dulo ng isang lumpia. Dapat ay mabilis itong bubula sa paligid ng wrapper. Kapag mainit na ang mantika, dahan-dahang isawsaw ang lumpiang gulay hanggang sa kalahati; pagkatapos, maaari na itong ihulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Recommended Videos

Mas lalong pasarapin ang lumpiang gulay gamit ang sawsawan. Dahil gumamit tayo ng kamoteng kahel at kamote, manamis-namis ang lumpiang gulay na ito. Bagay na bagay itong isawsaw sa sukang may sili at sibuyas, o di kaya sa sinamak. Babagay rin ito sa sweet and sour sauce, ngunit kung mas simpleng sawsawan ang hanap ninyo, may nakapaloob na sawsawan ng lumpiang gulay sa recipe na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Prep Time
40 mins 
Cooking Time
30 mins 
Ready In
1 hr 10 mins 
Yield
20
Cuisine
Chinese, Filipino
Cooking Method
Fry

Lumpiang Gulay Ingredients

How to make Lumpiang Gulay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
LEAVE A REVIEW
You have to be logged in to post a review.
Log In