Lumpiang Shanghai Recipe (Tagalog Version)

Ang Lumpiang Shanghai ay sikat na putahe sa kahit anong okasyon, kaya ang madaling recipe na ito ang iyong kailangan para makagawa ng masarap na pritong spring roll.
Ano pa ang kailangan mo para madagdagan pa ang masarap nang lumpiang Shanghai recipe?
Mayroon itong karneng baboy, hipon, kintsay o celery, karot, at kahit singkamas para masiguradong ang bawat kagat ay masarap at malutong. Pwede ring magdagdag ng repolyo, toge, pati patatas, kung gusto mo maging malikhain sa kusina.
Bilang tulong, heto ang ilang payo para makasiguradong perfect ang pagkakaluto ng lumpia.
Kapag nagpiprito, siguraduhing nasa tamang temperatura ang mantika, para maluto nang maayos ang palaman at nang ang pambalot ay maging golden brown. Walang thermometer? Hindi iyan problema! Pwedeng malaman ang init ng mantika sa pamamagitan ng paggammit ng kahoy na kutsara. Merong mabubuong bula sa paligid ng hawakan ng kutsara kung handa na ang mantika. Huwang lang kalilimutang ihanda ang Lumpiang Shanghai kasama ng sweet and sour