
Ang Okoy (ukoy) ay isang pampagana na madali at mabilis ihanda. Kailangan lang ng ilang rekado na madali namang makita sa palengke o sa supermarket. Ang ilan sa mga sangkap na ito: hipon, cornstarch, at paminta. Ang nagawang batter ay iluluto sa pamamagitan ng pag-deep fry hanggang sa maging malutong ito. Madalas kasama nito ang suka bilang sawsawan. Perfect ang lutuing ito na pwedeng samahan ng kanin!

Okoy Recipe (Tagalog Version)
Naghahanap ka ba ng bagong luto sa hipon? Okoy ang sagot; madaling ihanda, madali pang hanapin ang rekado.
Prep Time 15 minutes mins
Cook Time 15 minutes mins
Resting Time 30 minutes mins
Total Time 30 minutes mins
Course Appetizers, Main Dishes
Cuisine Filipino
Servings 3
Ingredients
Okoy Ingredients (Tagalog Version)
- 6 tablespoons all-purpose flour
- 1 1/2 Cup cornstarch
- 1/2 teaspoon Salt
- 1/2 teaspoon black pepper
- 1 large Egg
- 1 3/4 Cup water
- 2 cups togue (bean sprouts)
- 1 1/2 cups hibe (dried shrimp)
- 2 cups cooking oil pang-prito
Instructions
- Sa isang mangkok, pagsamahin ang harina, cornstarch, asin, paminta, itlog, at tubig. Batihin ito gamit ang whisk o tinidor hanggang maging malapot ang batter.
- Idagdag ang hipon at togue at saka haluing mabuti.
- Sa isang kawali, painitin ang mantika.
- Gamit ang isang ladle, dahan-dahang ibuhos ang mixture sa kawali hanggang makagawa ng bilog. Siguraduhing maluto ang lahat ng gilid sa loob ng 3 – 5 minuto o hanggang sa maging kulay golden brown at malutong. Ulitin ang proseso hanggang matapos ang pagluluto sa shrimp batter.
Keyword classic, hibe, Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW