Paksiw Na Isda Recipe (Tagalog Version)

Kahit na maraming bersiyon ang paksiw katulad ng lechon paksiw, paksiw sa tulingan, at paksiw na pata, ang bangus ang karaniwang ginagamit sa paghanda ng putaheng ito. Niluluto ang bangus sa suka, bawang, at iba pang sangkap, para siguradong maging malinamnam at maasim ang sabaw.
Tandaan lamang na patuloy na pakuluan ang sabaw hanggang sa mawala na ang tapang ng suka bago ihain.