Patatas Bravas with Sausage Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap
Subukan mo ang napakadaling lutuing ito.

Ang patatas bravas ay isang tradisyunal na lutuin ng mga Espanyol na gawa ng mga patatas na hiniwa, at niluluto sa tomato sauce o aioli sauce. Sa halip na gumamit ng chorizo, ang recipe na ito ay gumagamit ng sausage (gumamit kami ng Hungarian sausage), pero maaari ka namang gumamit ng anumang sausage na meron sa iyong kusina. Puwede ka ring gumawa ng sarili mong aioli sauce, na kayang magawa sa loob lamang ng ilang minuto!