
Talagang masarap ang pamintang itim! Hindi ito gaanong hinahangaan bilang pampa-anghang ngunit mayroon itong kaaya-ayang linamnam at anghang na tumitindi lamang habang dinadagdagan. Magaling na kapares ng asin ang pamintang itim sa pagpapatindi ng lasa ng mga pagkain. Dito sa resipe na ito, ang simpleng pork steak ay saganang aasinan at lalagyan ng itim na paminta upang parehang lumasa ang baboy at sarsa.

Peppered Pork Steak Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap
Ang itim na paminta ang sikretong nagpapabango at nagpapa-anghang sa karne.
Prep Time 5 minutes mins
Cook Time 15 minutes mins
Resting Time 30 minutes mins
Total Time 20 minutes mins
Course Main Dishes
Cuisine Asian, Filipino
Servings 4
Ingredients
Peppered Pork Steak Ingredients - Paano Lutuin At Mga Sangkap
- 4 pieces pork steaks
- Salt pang-timpla
- 1/2 tablespoon black pepper dinikdik
- 2 tablespoons canola oil
- 1 tablespoon all-purpose flour
- 1/4 pork bouillon cube
- 1 Cup water
Instructions
- Timplahan ng asin at maraming paminta ang parehong gilid ng baboy. Itabi muna.
- Magpa-init ng cast iron pan na may sapat na mantika para iprito ang baboy. Gumamit ng katamtamang init. Isa-isang isalang sa mainit na mantika ang pork steak. Hayaang maluto nang mabuti ang bawat gilid nito. Ibukod nang pansamantala.
- Alisin ang sumobrang mantika sa kawali. Mag-iwan lamang ng 1 1/2 kutsara. Magdagdag ng kulang-kulang na isang kutsarita ng pamintang itim sa kawali. Lutuin ng mga 30 segundo. Idagdag ang bouillon cube at tunawin. Ibudbod ang harina at ihalo sa sa mantika. Salinan ng tubig habang hinahalo ang sarsa upang hindi ito manikit sa ilalim ng kawali.
- Pakuluan ang sarsa hanggang sa lumapot ito. Ilagay ang pork steak sa sarsa at pakuluan hanggang sa uminit ang pork steak. Alisin sa kawali at ihain habang mainit pa. Samahan na rin ng kanin at sarsa.
Keyword Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW