Pinoy-Style Pork Barbecue Recipe – Paano Lutuin At Mga Sangkap

Malambot at masarap ang pinoy pork barbecue na ito.

Tuwing may birthday at mga espesyal na okasyon, may mga pagkaing kailangang palaging naroon. Ang pork barbecue ay isa sa palaging kasama sa handaan. 

Paano gagawing malambot ang pork barbeque?

Sa aming palagay ay natuklasan na namin ang sikreto sa napakalambot na pork barbecue: ang softdrinks. Sa katunayan, hindi lang softdrinks ang nakakapagpalambot ng karneng baboy, pati na rin ang katas ng kalamansi. Ang dalawang sangkap na ito ang magkatulong na magpapalambot ng karne ng baboy. Matapos ma-ihaw, malalasahan nyo sa recipe na ito ang magkahalong sweet and smokey na timpla ngunit maari nyo naman itong baguhin ayon sa inyong panlasa upang gawing mas matamis or mas maanghang pa. Pwede nyo rin itong itambal sa mainit na kanin para mas masarap ang kain!

Pinoy-Style Pork Barbecue Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Sharlene Tan
Malambot at masarap ang pinoy pork barbecue na ito.
Prep Time 25 minutes
Cook Time 30 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 55 minutes
Course Main Dishes
Cuisine Filipino
Servings 25

Ingredients
  

Pinoy-Style Pork Barbecue Ingredients - Paano Lutuin At Mga Sangkap

  • 1 Cup ketchup
  • 2/3 Cup Soy Sauce
  • 1 tablespoon liquid seasoning
  • 1 head Garlic tinadtad
  • 1/4 Cup Calamansi Juice
  • 1/2 Cup lemon-lime soda
  • 1/2 teaspoon hot sauce
  • 1/2 Cup brown sugar
  • ground black pepper ayon sa panlasa
  • 1 kilogram pork kasim hiniwa sa 1-pulgadang kuwadrado
  • 1/4 Cup vegetable oil, divided

Instructions
 

  • Gawin ang panimpla: Sa isang malaking mangkok, paghaluin ang banana ketchup, soysauce, liquid seasoning, bawang, katas ng kalamansi, pamintang durog, asukal na pula, lime-flavored softdrinks, at hot sauce.
  • Itusok na mabuti ang karne sa barbecue stick. Maaring lagyan ng isang pirasong taba ng baboy sa dulo ng bawat barbecue, kung nais.
  • Sa isang lalagyan, ayusin ang mga naituhog na karne sa dalawang hilera. Magtabi ng isang tasa ng ginawang panimpla para sa pampahid sa pag-ihaw. Ilagay ang natitirang panimpla sa mga naituhog na karne at ibabad magdamag habang nasa loob ng refrigerator.
  • Gawin ang sarsang pamahid: Sa isang mangkok, ilagay ang itinabing panimpla at haluan ng mantika.
  • Ilagay ang naituhog na barbecue sa ihawan para ihawin. Pahiran ng sarsa ang karne paminsan minsan upang hindi matuyo habang niluluto. Ihawin hanggang sa maluto ang loob ng karne. Ihain habang mainit.
Keyword grilled pork, pork barbecue recipe, Tagalog, pinoy-style pork bbq, pinoy-style pork barbecue
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices