Pork Dinuguan Recipe - Paano Lutuin at mga Sangkap

Ang pork dinuguan ay isa sa natatanging lutuing Pinoy dahil sa sarsang itim na gawa sa pinaghalong suka at dugo ng baboy. Karaniwan itong pinapareha sa kanin o puto.
Ito ay sinasahugan ng liempo o maaari ding gamitan ng balikat at lamang loob ng baboy. Siguraduhing haluin ng tuloy tuloy ang dugo ng baboy upang maging pino ang sarsa at maiwasan ang makurta o magbuo-buo ang dugo.