Pork Menudo Recipe (Tagalog Version)

Popular na karneng putahe ang menudo. Madalas na inihahanda ito tuwing fiesta at handaan. Maraming bersiyon ang menudo-ang ilan ay nagdadagdag ng hiniwang hotdog, pasas, atsara, at iba pang pampalasa para lumabas ang linamnam ng putahe. May kanya-kanyang bersiyon bawat pamilya, bayan, o probinsya!
Napakadaling matuto kung paano magluto ng menudo! Siguraduhing hindi masobrahan ng luto ang mga gulay katulad ng patatas at karot. Madalas makaligtaan ito at pwedeng masobrahan ng lambot at maging malata. Huwag kalimutang ihanda ito kasama ng bandehadong kanin para mas masarap ang inyong kain.