Salted Egg Yolk Chicken Wings Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Tunay na nakakatakam ang salted egg yolk chicken wings. Ang sikreto ng recipe na ito ay nasa pagpili ng itlog na maalat. Tiyakin na ang mabibili mong mga itlog ay pinakamaalat upang mangibabaw ang lasa nito kahit pa magdagdag ng ibang mga sangkap.
Maaari kang gumamit ng mga naka-package nang mga itlog na maalat na ibinebenta sa ilang mga Chinese grocery. Karaniwang isinasalang muna ang mga ito sa steamer, pero makatitiyak kang mas magiging buo ang lasa nito at mas malaman pa kaysa sa ibang mga nabibiling itlog na maalat.