Sans Rival Recipe – Paano Lutuin At Mga Sangkap

Siguradong panalo ang masarap at ma-matikilyang panghimagas na ito.

Panalong-panalo ang panghimagas na ito. Paano ba namang hindi! Kay dulas ng pakiramdam nito sa dila dahil sa makremang mantikilya at nakatutuwa rin itong nguyain dahil sa meringue at mga pira-pirasong kasuy.

Ang recipe na ito ay galing sa nanay ng former Yummy magazine editor-in-chief Paulynn Chang-Afable; lumaki siyang pinapanuod ang kanyang nanay na ihanda ito para sa pamilya nila. 

Sans Rival Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Paulynn Chang-Afable
Siguradong panalo ang masarap at ma-matikilyang panghimagas na ito.
Prep Time 40 minutes
Cook Time 30 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 1 hour 10 minutes
Course Dessert
Cuisine Filipino
Servings 1 8- or 9-inch cake

Ingredients
  

Sans Rival Ingredients - Paano Lutuin At Mga Sangkap

  • 6 large egg whites
  • 2/3 Cup sugar
  • 1 Cup cashews tinadtad
  • 1 teaspoon vanilla extract
  • 2/3 Cup sugar
  • 1 227-gram block Butter pinalambot
  • 1 1/2 tablespoons Rum
  • 1/2 Cup cashews Tinanggal ang buto, tinadtad

Instructions
 

  • Painitin ang oven hanggang umabot ang temperatura nito ng 325°F. Baligtarin ang bilog na bandeha (apat na 8 na pulgada o tatlong 9 na pulgada ang kanais-nais na haba). Pahiran ng mantika at harina ang mga kurbang bahagi ng bandeha.
  • Gumawa ng wafer sheets: Magbate ng puti ng itlog sa isang lalagyan na maaaring paggamitan ng mixer hanggang maging stiff peaks. Dahan-dahang idagdag ang asukal. Sigurading nabate ang mga sangkap nang mabuti bago magdagdag ulit ng asukal. Magbate hanggang tumigas ang mga matutulis na taluktok. Itupi paloob ang kasoy at vanilla. Gamit ang spatula, ipahid ang ginawang lahok sa inihandang ibinaliktad na bandeha. Iluto sa loob ng oven ng 20 na minuto o hanggang ginintuang kayumanggi. Gamitin muli ang spatula at maingat na tanggalin ang mga wafer mula sa bandeha habang mainit pa ang mga ito. Ilipat sa patungang gawa sa alambre (wire rack) para lumamig.
  • Gumawa ng palaman: Pakuluan ang asukal at tatlong kutsara ng tubig hanggang makagawa ka ng mga sinulid o hanggang umabot sa 230 hangang 235°F ang temperatura. Habang nag-iintay, gamitin muli ang mixer na panghalo na mayroong pangkabit ng korteng sagwang panghalo para mabate ang mga pula ng itlog hanggang lumapot. Dahan-dahang ibuhos ang arnibal sa pula ng itlog habang binabate pa rin ang mga ito. Dapat manipis ang pagdaloy ng arnibal papunta sa binabateng itlog. Pagpatuloy lamang ang pagbate ng itlog hanggang lumamig ang mga ito. Pagkatapos lumamig ay maaari nang bagalan ang pagbate. Magdagdag ng pinalambot na mantikilya paunti-unti (gumamit ng kutsara). Gawing katamtamang bilis muli ang pagbate hanggang mapagsama nang mabuti ang mantikilya at itlog. Idagdag ang rum.
  • Maglagay ng isang wafer sheet sa isang cake board o cake plate. Ipahiran ng ginawang palaman sa ibabaw. Ibabawan ng kasoy. Pagpatuloy lamang ang pagpatong gamit ang ibang wafer sheets. Takpan ang ibabaw at ang gilid ng wafer sheets gamit ang ginawang palaman. Ibabawan muli ng kasoy.
Keyword classic, Filipino dessert recipe, Filipino classic, Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices