Silvanas Recipe – Paano Lutuin At Mga Sangkap

Ang silvanas ay may lutong ng meringue at katakam-takam na buttercream.

Isang klase ng biskwit na panghimagas ang Silvanas na punong-puno ng masasarap na lasa. Mula sa kaaya-ayang lutong ng meringue hanggang sa katakam-takam na buttercream, ang silvanas ay maaring gawin sa bahay. Siguradong panalo ito sa sarap at magugustuhan ng lahat.

Silvanas Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Aileen Anastacio
Ang silvanas ay may lutong ng meringue at katakam-takam na buttercream.
Prep Time 45 minutes
Cook Time 15 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 1 hour
Course Dessert
Cuisine Filipino
Servings 10 pieces

Ingredients
  

Silvanas Ingredients - Paano Lutuin At Mga Sangkap

  • 1/4 Cup all-purpose flour
  • 1/4 Cup cashew nuts
  • 4 eggs
  • 3/4 Cup sugar
  • 1/2 Cup sugar
  • 1/4 Cup water
  • 4 egg yolks
  • 1 large eggs
  • 1/8 teaspoon Salt
  • 1 Cup Butter pinalambot at hiniwa sa 16 na piraso
  • 1 teaspoon clear vanilla extract

Instructions
 

  • Painitin ang oven ng 300F. Pahiran ng langis at harina ang cookie sheets; itabi. Pahiran ng langis at harina ang ilang round molds na 3-pulgada ang sukat.
  • Gawin ang meringue: Haluin ang harina at kasuy sa mangkok ng food processor na may blade attachment. I-process hanggang sa madurog ng pino ang kasuy; itabi.
  • Sa mangkok ng electric mixer na may whisk attachment, batihin ang egg whites gamit ang high speed hanggang sa tumigas ang mga taluktok pero hindi tuyo.
  • Dahan-dahang idagdag ang asukal na paisa-isang tablespoon. Idagdag ang harina at kasuy ng pakonti-konti.
  • Ayusin ang round molds sa hinandang mga cookie sheet. Ilagay ang mixture sa loob ng mga molds gamit ang piping bag o spatula.
  • Lutuin sa oven ng 15 mins o hanggang sa magkaroon ng kulay. Tanggalin sa oven at palamigin ng 30 minuto bago tanggalin galing sa mga molds. Itabi. Ulitin hanggang sa makagawa ng 40 meringue discs gamit ang mga natirang sangkap.
  • Ilagay ang 20 meringue discs at ang mga nabasag na discs sa mangkok ng food processor na may blade attachment. I-process hanggang madurog at maging crumbs. Ilipat sa mababaw ng mangkok at itabi.
  • Gawin ang buttercream: Ihalo ang asukal at tubig sa kaldero. Pakuluan hanggang umabot ng 238F.
  • Ihalo ang egg yolks at buong itlog sa mangkok ng electric mixer na may paddle attachment. I-whip gamit ang high speed ng mga sampung minuto o hanggang sa magkaroon ng ribbon pattern pag tinaas ang paddle. Kailangang maging dilaw ang mixture. Lagyan ng asin.
  • Pag naabot na ng asukal ang tamang temperatura, dahan-dahang ibuhos ang kumukulong syrup sa dilaw na mixture ng tuloy-tuloy. I-whip sa high speed hanggang sa lumamig. Kailangan lumamig ang mangkok sa temperaturang kaya na siyang hawakan ng kamay.
  • Ibaba ang speed ng mixer sa medium. Idagdag ang mantikilya ng paisa-isa. Maaring magmukhang basag at kulubot ang mixture. I-whip hanggang sa mahalo ng mabuti. Kapag buo na ang mixture, ihalo ang vanilla extract.
  • Para ayusin, maglagay ng 1-2 tablespoons ng buttercream sa isang panig ng meringue disc. Takpan ng isa pang meringue disc para maging sandwich.
  • Pahiran ng buttercream ang buong sandwich para matakpan ito ng buo. Igulong ang Silvanas sa crumbs na ginawa. Ilagay sa refrigerator o freezer hanggang tumigas ang buttercream.
Keyword Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices