Sinigang Na Manok Recipe

Kung mahilig ka sa manok at sinigang, ito ang recipe para sa 'yo.

Madalas, kapag nababanggit ang sinigang, naiisip natin ang sinigang na baboy. Ngunit hindi lang baboy ang maaaring isigang; bukod sa napakadaling magluto ng sinigang, samu’t saring sangkap rin ang maaaring gamitin para dito. Isa na doon ang manok!

Kung hindi mo pa nasusubukang magsigang ng manok, huwag mag-alala: tuturuan namin kayo kung paano magluto ng sinigang na manok. Ang chicken sinigang recipe na ito ay hindi lang masarap, kundi napakadali ring lutuin. Kumpara sa ibang karne katulad ng baboy o baka, mas madaling lumambot ang manok, at hindi niyo na kailangang pakuluan pa ito ng ilang oras!

Sinigang Na Manok Recipe

Roselle Miranda
Kung mahilig ka sa manok at sinigang, ito ang recipe para sa 'yo.
Prep Time 20 minutes
Cook Time 20 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 40 minutes
Course Main Dishes
Cuisine Filipino
Servings 4

Ingredients
  

Sinigang Na Manok Ingredients

  • 1/4 Cup vegetable oil or as needed
  • 1 whole Chicken cut into 8 pieces
  • 1 medium red onion peeled quartered
  • 2 medium tomatoes quartered
  • 1 bunch okra halved
  • 2 pieces green finger chili (siling haba)
  • 1 20-gram pack sinigang sa sampaloc mix
  • 1 bunch string beans cut into 3-inch lengths
  • 1 bunch kangkong leaves and tender stalks only

Instructions
 

  • Mag-init ng mantika sa isang kaldero. Ilagay ang mga pira pirasong manok at hintayin maluto ang magka-kulay bago baliktarin. Gawin ito sa lahat ng manok.
  • Ibuhos ang sabaw ng manok hanggang matakpan ang manok. Ilagay ang sibyuas, kamatis, okra, at siling haba, tapos ihalo ang sinigang mix sa sabaw. Pakuluin hanggang maluto ang manok at malambot na ang mga kamatis at okra.
  • Bago ihain ang sinigang na manok, ilagay ang sitaw at kangkong sa sabaw at pakuluin muli. Ikulo lang hangga t uminit lang ang mga sangkap. Ihain kasama ang kanin.
Keyword Sampaloc, Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices