Sinigang Na Manok Recipe

Madalas, kapag nababanggit ang sinigang, naiisip natin ang sinigang na baboy. Ngunit hindi lang baboy ang maaaring isigang; bukod sa napakadaling magluto ng sinigang, samu't saring sangkap rin ang maaaring gamitin para dito. Isa na doon ang manok!
Kung hindi mo pa nasusubukang magsigang ng manok, huwag mag-alala: tuturuan namin kayo kung paano magluto ng sinigang na manok. Ang chicken sinigang recipe na ito ay hindi lang masarap, kundi napakadali ring lutuin. Kumpara sa ibang karne katulad ng baboy o baka, mas madaling lumambot ang manok, at hindi niyo na kailangang pakuluan pa ito ng ilang oras!