Siomai Recipe – Paano Lutuin At Mga Sangkap

Malasang-malasa ang siomai recipe na ito dahil sa oyster sauce.
Three steamed siomai or chinese pork dumplings wrapped in thin wrappers, topped with carrots and spring onions on a white platter
How to make siomai at home

Kahit nagmula ang Siomai sa Tsina, napaka-sikat nito sa mga Pinoy. Karaniwan itong kinakain kapares sa kanin. Ang hindi alam ng karamihan ay hindi mo naman kailangan bumili sa labas tuwing natatakam ka para sa siomai, dahil kayang-kaya mo naman makagawa ng sarili mong siomai sa bahay!

Madali nga ba gumawa ng Siomai?

Hindi mo naman kailangang maging bihasa sa pagluluto upang makagawa nito. Sa katunayan, hindi mo naman kailangang mabalisa sa kakayahan mong magbalot ng siomai dahil ang una mong dapat pagtuonan ng pansin ay kung masarap ba ang lasa nito.

Napakaraming siomai recipes pero meron kaming isang panibagong bersyong masasabing naming masarap talaga. Isang bahagyang pagbabago lamang ang kailangan para maiba ang lasa. Subukan mo lang at siguradong mapapamahal ka sa bagong bersyong ito!

 

Siomai Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Len Santos
Malasang-malasa ang siomai recipe na ito dahil sa oyster sauce.
Prep Time 10 minutes
Cook Time 20 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 30 minutes
Course Main Dishes, Snacks/Merienda
Cuisine Asian, Chinese
Servings 70 pieces

Ingredients
  

Siomai Ingredients - Paano Lutuin At Mga Sangkap

  • 1 kilo ground pork
  • 1/3 Cup jicama (singkamas) tinadtad
  • 1/3 Cup carrots tinadtad
  • 1 large white onion tinadtad
  • spring onion hiniwa
  • 1 medium Egg
  • 3 tablespoons sesame oil
  • 5 tablespoons oyster sauce
  • 1 teaspoon ground black pepper
  • 1 teaspoon Salt
  • 2 teaspoons sugar
  • Small siomai wrapper
  • Soy Sauce para sa sawsawan
  • calamansi para sa sawsawan
  • sesame oil para sa sawsawan
  • chili oil para sa sawsawan

Instructions
 

  • Paghaluin ang lahat ng mga sangkap para sa palaman sa isang malaking mangkok.
  • Kumuha ng isang kutsara ng pinaghalong mga kasangkapan at ipaloob sa pamalot. Itupi at isarado.
  • Pahiran ng mantika at kumukulong tubig ang gagamiting para sa pag-steam. Kapag kumulo na ang tubig, ayusin ang pagkakalagay ng siomai i-steam ang mga ito ng 15 hanggang 20 na minuto.
  • Ihain kasama ng ninanais na sawsawan.
Keyword Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices