Spicy Minced Pork and Eggplant Hotpot Recipe – Paano Lutuin At Mga Sangkap

Mas malasa at malinamnam ang giniling na baboy dito sa napakadaling ginisang putahe na ito.

Kahit walang kumukulong sabaw, ang hotpot na ito ay napakasarap pa ring ihain habang mainit. Nanunuuot sa sarsa ng giniling na baboy at hiniwang talong ang lasa ng toban djan o Chinese chili bean paste na siyang pampalasa ng putaheng ito.

Spicy Minced Pork and Eggplant Hotpot Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

Jeffrey G. Tan
Mas malasa at malinamnam ang giniling na baboy dito sa napakadaling ginisang putahe na ito.
Prep Time 10 minutes
Cook Time 20 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 30 minutes
Course Main Dishes
Cuisine Asian, Chinese
Servings 6

Ingredients
  

Spicy Minced Pork and Eggplant Hotpot Ingredients - Paano Lutuin At Mga Sangkap

  • 2 pieces talong (eggplant)
  • 1/2 kilogram ground pork
  • 2 teaspoons fresh ginger binalatan at tinadtad
  • 3 tablespoons cooking oil hatiin sa dalawa – 2 kutsara/ 1 kutsara
  • 2 stalks green onions hiniwa
  • 1 thumb-sized fresh ginger binalatan at tinadtad
  • 2 tablespoons Chinese chilli bean sauce (toban djan) o dagdagan pa ayon sa panlasa
  • 2 tablespoons Light soy sauce
  • 1 teaspoon sugar
  • 1 tablespoon sesame oil
  • Salt ayon sa panlasa
  • cilantro
  • 4 cloves Garlic tinadtad

Instructions
 

  • Tanggalin ang dulo ng talong at hiwain sa maliliit na kuwadrado (may balat). Ilipat sa isang malaking mangkok na may tubig, lagyan ng isang kurot na asin at ibabad sa loob ng sampung minuto. Siguraduhing nakalubog ang talong sa tubig. Salaing mabuti. Itabi.
  • Timplahan ang giniling na baboy ng tinadtad na luya, asin at Chinese cooking wine sa isang mangkok. Itabi.
  • Sa isang wok o malalim na kawali, painitin ang 2 kutsarang mantika at iprito ang talong sa loob ng sampung minuto hanggang sa lumambot ang talong. Isalin ang talong sa isang plato.
  • Idagdag ang natimplahang giniling na baboy at igisa hanggang sa magbago ang kulay at pumuti. Isalin sa plato kasama ng talong.
  • Idagdag ang natitirang 1 kutsarang mantika sa kawali at igisa ang sibuyas na mura, bawang, tinadtad na luya at chili paste hanggang sa lumabas ang amoy at maging mabango. Ibalik ang talong kasama ang giniling na baboy, soy sauce, asukal at sesame oil. Haluing mabuti habang ginigisa.
  • Ilagay ang dahon ng silantro at ihain habang mainit.
Keyword Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices