Sweet Garlic Shrimp Recipe

May sikretong sahog ang ginisang hipon recipe na ito!

Ang ginisang hipon recipe na ito ay matamis at may tostadong bawang. Parang simpleng recipe lang ito pero may sikretong sahog to para maging mas masarap siya: ang pampalamig na inumin na orange soda. 

Sweet Garlic Shrimp Recipe

Stephanie Cueva
May sikretong sahog ang ginisang hipon recipe na ito!
Prep Time 30 minutes
Cook Time 10 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 40 minutes
Course Main Dishes
Cuisine Filipino
Servings 4

Ingredients
  

Sweet Garlic Shrimp Ingredients

  • 1/2 kilogram Shrimp heads removed, deveined
  • 1 330-ml bottle orange soda or lemon-lime soda
  • 1/4 Cup banana ketchup
  • 1/4 Cup brown sugar
  • 2 teaspoons Soy Sauce
  • 1/4 Cup water
  • 1 tablespoon Garlic minced
  • 2 tablespoons Oil
  • 1/4 Cup Butter
  • 1 head Garlic minced
  • 1 Small red onion chopped
  • 4 pieces birds eye chilies (siling labuyo) Optional
  • Salt to taste
  • ground pepper to taste

Instructions
 

  • Sa malaking bowl, ibabad ang hipon sa orange soda ng isang oras sa refrigerator.
  • Habang nakababad ang hipon, haluin ang banana ketchup, pulang asukal, toyo, at tubig. Itabi.
  • Sa isang maliit na kawali sa kalan, igisa hanggang tostado ang bawang sa konting mantika. Itabi.
  • Tunawin ang mantikilya sa malaking kawali sa kalan. Igisa ang sibuyas at natitirang bawang hanggang ito y maging luto. Ibuhos ang tinimplang banana ketchup at pakuluin.
  • Pag malapit na siyang kumulo, ilagay ang nababad na hipon maliban sa pinagbabadan na orange soda. Timplahan ang hipon sa kawali sa pamamagitan ng asin at paminta. Idagdag na ang siling labuyo kung gusto ito y maging maanghang. Lutuin ang hipon hanggang maging mapula ang mga balat. Huwag lutuin ng husto ang hipon para hindi ito y maging matigas.
  • Ayusin ang mga hipon sa isang plato o bandehado at ibuhos ang sarsa sa ibabaw. Ilagay ang tostadong bawang na ibabaw din at ihain.
Keyword Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices