
Alam mo bang pwedeng gamitin ang tokwa sa salpicao? Sa halip na karne ng baka ang ihahalo sa sarsa, mag-prito lang ng mga tokwa. Hihigupin ng tokwa ang sarsa habang nilululuto ito. Ito na ang pinakamasarap na salpicao recipe na pwede mong kainin kahit anong araw ng linggo.

Tokwa Salpicao Recipe
Nasubukan mo na ba gamitin ang tokwa?
Prep Time 20 minutes mins
Cook Time 30 minutes mins
Resting Time 30 minutes mins
Total Time 50 minutes mins
Course Main Dishes
Cuisine Filipino, Spanish
Servings 6
Ingredients
Tokwa Salpicao Ingredients
- 2 packs tofu cubed medium
- 1 head Garlic peeled, minced
- 2 tablespoons Soy Sauce
- 1 tablespoon Worcestershire sauce
- ground black pepper to taste
- Salt to taste
- canola oil for deep frying and sauteing
Instructions
- Sa isang kawali na nakasalang sa kalan, initin ang mantika. I-prito ang mga tokwa hanggang maging malutong. Tanggalin ang mga tokwa at ilagay sa sieve para ang mga sobrang mantika ay tumulo sa tokwa. Lutuin ang lahat ng mga tokwa. Hiwain ang tokwa at itabi.
- Bawasan ng mantika ang kawali hanggang katamtaman lang ang natitira sa kawali. Ilagay ang tinadtad na bawang at konting asin. Haluin at lutuin hanggang magkakulay ang bawang. Itabi ang isang kutsarang bawang.
- Ibuhos ang toyo at Worcestershire sauce kasama ang natirang bawang. Ipakulo. Ibalik ang mga piniritong tokwa sa kalan at haluin ng mabuti. Lagyan ng paminta at haluin muli. Ibudbud ang tostadong bawang sa ibabaw ng tokwa salpicao bago ihain.
Keyword salpicao recipe, Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW