Tuna Sinigang Recipe

Gamitin ang sariwang tuna para maging kakaiba ang sinigang.

Maraming iba’t ibang sariwang isda sa palengke. Yan ang yaman ng Pilipinas! Kaya ngayong linggo, magluto ka ng kakaibang sinigang recipe gamit ang sariwang tuna kaysa sa baboy o hipon. 

Pwede kang bumili ng iba’t ibang steaks galing sa isda. Piliin lang ang pinaka sariwa para hindi maglalasang malansa ang sinigang.   

Tuna Sinigang Recipe

Roselle Miranda
Gamitin ang sariwang tuna para maging kakaiba ang sinigang.
Prep Time 15 minutes
Cook Time 15 minutes
Resting Time 30 minutes
Total Time 30 minutes
Course Main Dishes
Cuisine Filipino
Servings 4

Ingredients
  

Tuna Sinigang Ingredients

  • 1 Small red onion peeled, quartered
  • 2 medium tomatoes cored, quartered
  • 1 40-gram pack sinigang sa sampaloc mix
  • 4 cups water
  • 1/2 bunch okra halved
  • 1 Small labanos peeled, cut into rounds
  • 2 Small eggplants cubed
  • 500 Grams fresh tuna cubed large
  • 1 bunch string beans cut into 3-inch lengths
  • Oil as needed

Instructions
 

  • Sa isang malaking kaldero sa ibabaw ng mahinang apoy, mag-init ng mantika. Ilagay ang sibuyas at kamatis at lutuin hanggang maging malambot ito. Ibuhos ang tubig at ibudbud ang sinigang mix. Haluin hanggang matunaw ang sinigang mix.
  • Ilagay ang okra, labanos, at talong sa sabaw. Pakuluin ang sabaw bago hinaan ang apoy. Lutuin ang mga gulay hanggang maging malambot ang mga ito.
  • Pag malambot na ang mga gulay, isama sa sabaw ang mga tuna cubes at sitaw at pakuluin muli ang sabaw hanggang maluto ang tuna. Ihain ang tuna sinigang kasama ng maraming kanin.
Keyword fish sinigang recipe, tamarind soup, Sampaloc, Tagalog
Tried this recipe?Let us know how it was!
CONTINUE READING BELOW

Most Popular Recipes

Close
Close
My Agile Privacy
We use cookies to ensure you get the best experience on Yummy.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Warning: some page functionalities could not work due to your privacy choices