Pochero Recipe - Paano Lutuin At Mga Sangkap

May iba't ibang uri ng pochero na tila mahirap pumili ng susunding lutuin at sangkap. Sa version na ito, hindi mo na kailangan pumili dahil ating pagsasama-samahin ang sarap ng baboy, baka at manok. Ang linamnam ng sabaw na may sorpresang tamis mula saging na saba, masarap pagsaluhan lalo na kapag tag-ulan.